Author Topic: Attention: Mga Politiko!!!!  (Read 6692 times)

HeavenLight

Attention: Mga Politiko!!!!
« on: April 19, 2011, 05:51:09 pm »
Ang pagwaldas sa kaban ng bayan laging may loop hole mga tsong, magbibigay ako ng isang example pero kung sino'ng may alam pa pwedeng magdagdag.

seryosong usapan po lang ito panggising sa bayan.

Example:

Sa Makati, hindi lahat mayaman, malaki pa rin ng population ng puro mga mahihirap, ang botante sa mga villages puro mga drivers at maid lang, samakatuwid ang progreso sa kawawag syudad na ito ay napapakinabangan lang ng iilan.

Tuwing eleksyon talamak pa rin ang vote buying (kung maunlad na ang mga tao dito bakit pumapayag pa silang magpabili ng boto?) ang tawag nga lang nila dito: Outside watcher. pero wala namang ginagawa, nilagyan lang ng tatak para may dahilan para bayaran.

Ang mga pulitiko, from City to Barangay level parang royalty kung mag-conduct ng lakbay aral at iba't-ibang seminars na karamihang ginagawa out of town (hindi bababa sa 200K ang budget, wala naman natututunan, pwede naman gawin sa makati, bakit kaya lumalayo pa?) Hindi masamang mag-undergo ng training ang mga nasa legistative body ng gobyerno pero dapat matingnan maigi kung karapat dapat bang gumastos ng ganoon kalaki, wala namang natututunan ang mga pumupunta na for 3 days buhay hari at reyna, may pocket money pa (samantalang sa kaban ng bayan galing ang pinambayad nila doon)

Hindi ba pagnanakaw iyon? atensyon COA, (mukhang sa iba sila nakatingin) wag lang COA ng COA, no pun intended

Ang mga pinambibigay sa patay na tadtad ng pangalan ng pulitiko (city council), galing sa pera ng bayan iyon, may budget sila per month para pag may namatay may pambili ng bulaklak, hindi na nga nila pera pogi pa sila.

Tsk tsk tsk kawawang bayan, ngayon ang prime mandarambong bise presidente na.

Ang loophole sa karamihan nito? basta may City / Baragay Resolution lusot, majustify lang, ang paggastos sasabihing para sa bayan pero ang mga politician ang pumopogi. Pero ang justification ay isang term para ipaliwanag ang isang pagkakamali hindi ba? Kaya mo nga jinustify kasi hindi mo sinunod ang rule...

Hindi ako galit sa mga pulitiko, galit ako sa ginagawa nilang pagpapaikot ng sistema.

Kung nagagawi kayo sa brgy. tejeros, Pasong Tirad, tuwing gabi makikita ninyo ang mga natutulog sa sidewalk

Akala ko ba gaganda ang buhay?

Wala ba kayong napapansin, lahat ng inilalabas na batas / panukala ng mga politiko puro pang short term lang (hindi kasi pwede long term kasi baka sa susunod na election ma-olat na sila iba pa makinabang) at walang tinutumbok na paglinang sa kakayahan ng isang tao. Karamihan sa kanilang batas, aasa ang taumbayan sa kanila, magiging habambuhay na beneficiary, para tuwing election may pang-akit sila sa mga tao.

Anyway this is my Anti-Politiko wrongdoing thread, kung may iba pa kayong alam, ipunin natin dito baka makagawa tayo ng libro he he he


mikester

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #1 on: April 19, 2011, 06:02:44 pm »
natumbok mo bro.. Marami nga loopholes. kaya nga kahit naman anung gawin ng Pangulo ng bansa kahit sino pa ma elect kung sa barangay level palang OA na ang corruption what more pa sa higher position. At the end of the day tao parin ang pangulo. d nya kayang monitor lahat. i think nasa systema ng gobyerno nanatin ang ganyang pag uugali. and goodluck naman na magbabago ang mga nakaupo overnight. sabi nga ni Ted Failon, buti pa ang buwaya nabubusog, pero mga politiko walang kabusugan.

facefactor3

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #2 on: April 19, 2011, 11:09:11 pm »
Natumbok nyo mga bro... tingnan nyo na lang ang sky way... sobrang taas ng singil tingin nyo ba worth it ang 147 hanggang alabang? galing sa pera ng taumbayan ang pinampagawa tapos maniningil pa sila ng sobrang taas.. kung tutuusin kahit wala bayad sana yon kasi galing sa TAX yon pero ang dahilan nila mawawalan ng kita ang gobyerno... pano nila nasabi na mawawalan ng kita e monthly may kaltas tayo ng tax? pwersahan kumbaga so tuloy tuloy ang income. di lang nila derechahan masabi na mababawasan ang makukurakot nila. Proud ako bilang pinoy pero sa mga nakapwesto wala ibang iniisip kundi ang magpayaman.... sobra na ang pera nila pero kelangan pa nilang bigyan ng savings ang mga kaapo apuhan ng mga apo nila. tsk tsk tsk.

rugarai08

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #3 on: April 19, 2011, 11:38:05 pm »
Tama bro.. Yan ang pinaka mahalagang "Kultura" na minana ng mga pinoy...  laffman:: kaya nga nagpapatayan silang magkakalaban, para sa milyon milyong kaban ng bayan. tapos kukuha ng sandamakmak na body guards na sa kaban ng bayan din kinukuha ang pambayad. nagdagdag pa ng +2% sa vat dati para daw makaahon sa hirap ang pinas. ang nangyari umahaon sa hirap silang lahat, (yumaman pa). kawawang "juan dela cruz".

DARUHON

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #4 on: April 19, 2011, 11:39:53 pm »
Indeed everything is right..I would just like to share something, nagtanong ko isang pulitiko sabi ko
why are you doing that kind i mean nangungurakot sabi niya Self preservation yan he explains.. on the
Highwaypatrol checkpoints, and strict payment of taxes,quarrying,all of the means that a dime could be seen
all those gimmicks of them were indeed true but on the other side it is outsourcing of money for the next election
they put up a bank account that during their term they deposited a large amount of money kumbaga preparasyon para sa laban for the next election to pay for the aspiring opponent or if that would not be granted yung pera na yun ilalaban sa opposition, sino ba naman talaga ang mananalo kasi pera ng tao bnabayad ult sa tao para manatili sa posisyon...walang kapagod-pagod..Nasabi ko sarap ng Buhay..nila laffman:: laffman::





DARUHON

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #5 on: April 19, 2011, 11:41:42 pm »
Indeed everything is right..I would just like to share something, nagtanong ko isang pulitiko sabi ko
why are you doing that kind i mean nangungurakot sabi niya Self preservation yan he explains.. on the
Highwaypatrol checkpoints, and strict payment of taxes,quarrying,all of the means that a dime could be seen
all those gimmicks of them were indeed true but on the other side it is outsourcing of money for the next election
they put up a bank account that during their term they deposited a large amount of money kumbaga

 preparasyon para sa laban for the next election to pay for the aspiring opponent or if that would not be granted yung pera na yun ilalaban sa opposition, sino ba naman talaga ang mananalo kasi pera ng tao binabayad ult sa tao para manatili sa posisyon...walang kapagod-pagod..Nasabi ko sarap ng Buhay..nila laffman:: laffman::






xeoxander01

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #6 on: April 20, 2011, 04:52:06 am »
di na bago to brad!..

wag mo nalang isipin..

ma b.badtrip ka lang..

 smoking::

2fear!

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #7 on: April 20, 2011, 05:12:32 am »
ang admin ni abnoy ay continuation lang sa admin ni pandak!

pspyrock

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #8 on: April 20, 2011, 06:30:04 am »
Ang taong bayan din ang dahilan kung bakit ganyan ang asal ng mga naka upo sa pamahalaan. Yung idol - fan syndrome ay buhay na buhay sa pulitika natin. People don't see them as public servants but as "idols" they look up to, kaya nga merong political dynasty dahil ang tingin nila ay yung mga idol nila at ang mga kadugo nito ang tanging makakapag ahon sa mga Pilipino sa hirap. And the great surnames of this country feeds on this mindset like sharks on a feeding frenzy.

Kapag nawala na yung bilib ng mga tao sa mga pare-parehong apelyido na yan at tingnan lamang sila bilang "lingkod bayan" na sineswelduhan para gawin yung mga projects na ibinibida nila at ipanamumukha nila sa bayan sa mga tarpaulins nila dyan magsisimula yung pagbabago. Pero hanggang hangang-hanga pa rin tayo kila Marcos, Aquino, Estrada, Arroyo, Gordon, Duterte, Enrile, Belmonte, Lim, Honasan, Lacson, Binay, Roxas at iba pang pulitiko na paulit-ulit tumatakbo kasama ng kanilang mga pamilya tuwing eleksyon, asahan nyong patuloy nilang ipamumukha sa taong bayan na sila ang tanging pag asa ng bayan. At mananatili sa kamalayan ng ibang mga pulitiko na "karapatan" nila na kumuha ng kahit gaano kalaki sa kaban ng bayan dahil malaki naman daw ang nagagawa nila para mapaunlad ang bayan.

*Ang political dynasty ay isang uri ng korapsyon.

spell

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #9 on: April 20, 2011, 10:28:21 am »
Wala naman akong nakikitang masama sa mga political dynasty basta kung ginagawa nila kung ano ung dapat nilang gawin (which is halos imposible).

Ginawa na kasing bagong uri ng negosyo ang pagiging public official. Tatakbo sa eleksyon na may kaakibat na malaking halaga para lang din kumita ng mas malaking halaga. Halos wala na yatang politiko na tumatakbo para paglingkuran talaga ang bayan. Puro photo-ops lang ang ginagawa para lang masabi na may ginagawa.

Sa tingin ko, kailangan ng isang malaking reboot ang government system natin. Halos pare-parehas lang din kasi ung mga nakaraang administrasyon, magkaiba lang sa agenda.

yamatoyukihiro

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #10 on: April 20, 2011, 11:38:17 am »
kanya kanyang gimik lang talaga yan para kumita ng pera. masyado na naging deeply rooted ang corruption kaya sa halos lahat ng aspeto ng buhay hindi siya matanggal tanggal. In a way we are also responsible for letting this problem go out of hand. Lahat tayo may kanya kanyang iniingatan, whether it be lifestyle, social status, pamilya, atbp, and as long as these things blur the lines between right and wrong then corruption will still prevail...  smoking::

HeavenLight

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #11 on: April 20, 2011, 02:17:38 pm »
Salamat mga tsong sa pagkomento.

think about this:  Election is a fraud. It is an illusion. Hindi totoong taumbayan ang namimili, because nakalatag na ang "PAGPIPILIAN", para bang may pumili na para sa nakararami, which is of course the taumbayan, pinapaikot tayo ng isang tila elite minority ng gusto nila para sa atin. (ikaw ba yan NOYNOY?)

Is that democracy?

Para bang sinasabi nilang oo nga malaya ka...

Malaya kang sumunod...
malaya kang bumoto from puppet A to puppet B
Malaya kang panuorin kung papaano unti-unting ariin ng mga foreigner ang lupain sa bansa natin, habang ang mga totoong pilipino ay squatter, at unti-unting nilalasing sa alak at droga.
malaya kang mamalimos
Malaya kang maging utusan at magpaalipin sa ibang bansa
at Malaya kang palakpakan ang isang politikong naninira sa kapwa niya politiko

It's just a big magic trick

...habang aliw na aliw tayo sa mga artista, sarap buhay naman sila.

Sad to say, corruption starts with us.

I know a few good people na noong maging politiko nagbago na kasi nakatikim na ng kinang ng pera.
maraming empleyado lalo na sa mga goverment offices ang umiiling na lang kapag ang personal na resibong pinang-gasolina ng mga Politicians at nirereimburse sa pondo ng bayan kahit wala namang kinalaman sa official na lakad ng gobyerno, ilang personal maid at hardinero din ba ang nakapayroll sa plantilla ng barangay or ng City para makalibre ang mga politikong amo sa pasusuwelduhin sa bahay.
Patuloy parin ang mga 15/30 or ghost employees na pumapasok sa umaga para mag-in at bumabalik sa hapon para mag-out.
That is corruption, karaniwang involve dyan ordinaryong mamamayan din. Pikit mata na lang nilang tinatanggap ang sitwasyon dahil sa hirap ng buhay. Much worse, others even resorts to violence kapag election time, para lamang hindi maputol ang tinatamasa nilang kasaganaan. Ordinary people turned ordinary soldiers, nagiging buffer ng mga matatakaw na politicians. kawawa naman po tayo.

kahit santo pa ang ilagay sa posisyon, magiging corrupt, kasi ang sistema ang may problema.

Hindi ba kapag ang PC natin corrupted, kahit ilang user pa ang ipalit mo corrupted pa rin yan...

...dapat diyan FORMAT.



 

spell

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #12 on: April 20, 2011, 03:17:38 pm »
Sana lang may mailatag na maganda ang kasalukuyang administrasyon. Sa ngayon kasi parang kay Obama lang. Andyan na ung chance nya na maging bayani sa mga tao, wala din pala. Imbes na gumawa ng hakbang parang makatulong, parang nakatunganga lang.

voyager_

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #13 on: April 20, 2011, 06:41:11 pm »

...dapat diyan FORMAT.


kahit naman i hard format mo kung yung install mo na software ay pirated.... wala pa rin...... kailangan hindi tampered..

kailangan pa ng mas malalim na pagsusuri.... toast::
Rom 1:23  At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.

Adonai

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #14 on: April 20, 2011, 07:39:47 pm »
si erap na lang talaga dapat ang naging presidente

/sarcasm
You're not your. This not these. It's not its. We're not were.

Thanks Gat J.P. Rizal for the Arsenal shirt. <3

pspyrock

Re: Attention: Mga Politiko!!!!
« Reply #15 on: April 21, 2011, 11:38:12 pm »
si erap na lang talaga dapat ang naging presidente

/sarcasm

 laffman::
Nakakamiss nga ang mga erap jokes.
 ::lmao