Author Topic: Magnetic resonance imaging (MRI) sa Dr. Jose Reyes Hospital at PGH  (Read 5715 times)

jpoks

Paging DOH Sec. Dr. Enrique T. Ona! Ang mga MRI po sa Dr. Jose Reyes Hospital at PGH ang mahigit na pong isang taon di gumagana. Alam po natin na maraming mga tao na may mga malubhang sakit at walang pera ang may kailangan nito at dapat po sa lalung madaling panahon ay mapaandar ito. Hihintayin po ba natin na tuluyang masira ito para bumili ng bago? Kung isang buwan na ito ay sira, ito po ay di katanggap-tanggap pero isang taon? Ito po ay matingding kapabayaan! Baka po hintayin nyo pa matapos ang termino ng ating mahal na pangulo bago ito magawa? Daang matuwid po ang motto ng ating pangulo hindi po "Daang baluktod at matarik!" Kayo po ay nandyan para tumulong sa mga taong may mga sakit, ngunit pahirap at pagkalugmok ang ginagawa nyo sa kanila. At dapat din po ito ang asikasuhin nyo hindi puro pagiging speaker ng stem cell, na para lang sa may mga pera.  ::investigate

rodeo

Re: Magnetic resonance imaging (MRI) sa Dr. Jose Reyes Hospital at PGH
« Reply #1 on: October 10, 2013, 09:58:12 am »
yan ang problem sa government wala kasi maintenance budget usually ang mga gamit kaya need pa maghintay ng next budget pra isama ang cost to repair nito.