Lilin Herlina - SECAWAN MADU - New Pallapa | Eps1 Poldark (2015) - Season 4 | IMDb: 4.0 HD Witness Unprotected

Author Topic: Boyfriend ng ate ko...  (Read 21676 times)

IWM

Boyfriend ng ate ko...
« on: December 17, 2008, 03:37:52 am »
(Ang lahat ng pangalan na mababanggit dito ay alyas lamang....)

Nang kinwento sakin ng ate ko ang buhay ng kanyang boyfriend ay naantig ang puso ko at nakaramdam ng awa sa kanya. Isa na siguro ito sa pinaka pambihirang kwento ng buhay na narinig ko. Katunayan, sa tingin ko ay pwede itong i-feature sa Maala-ala Mo Kaya.

Naging boyfriend dati ng ate ko si James na isang Fil-Am (hindi tunay na pangalan), kuya ng kasalukuyang boyfriend ni ate. Hindi nagtagal ang kanilang relasyon dahil ilang taon mula nun ay namatay ito dahil sa isang malubhang sakit. Simula nang namatay si James, ay nabaling naman ang atensyon niya kay Jason, nakababatang kapatid ni James. Siya na ang kasalukuyang boyfriend ni ate ngayon.

Laging kinukwento ni Jason kay ate na palagi niyang napapanaginipan ang pangalang "Joy Cruz". Halos gabi-gabi ay napapanaginipan nya ang pangalang iyon at pakiramdam nya ay parang kilala nya ang taong iyon. Katunayan ay gumawa pa sya ng chikka account at inadd nya sa list ang pangalang Joy Cruz kasi nga pamilyar daw talaga sa kanya.

One day, nagkainuman sila Jason ng kanyang mga tiyuhin at isa sa kanyang mga tiyo ay nadulas sa pagkukuwento nung lasing na ito. Hindi daw pala tunay na anak si Jason, ampon lang sya. Anak sya ng labandera at driver ng kanilang pamilya at pinaampon lang sya sa kanila dahil sa kahirapan. Kaya pala pamilyar ang pangalang iyon, Joy Cruz pala ang tunay nyang pangalan. Kaya pala lagi niya itong napapanaginipan. Hindi lang yun, mas matanda pala sya kay James, na kinikilala nyang kuya, ng apat na taon. Kaya daw pala ay parang may kulang sa kanyang buhay. Parang may binurang parte sa kanyang buhay na hindi na nya maalala. Ni hindi niya maalalang sinulat nya ang pangalang Jason sa kanyang papel nung bata pa sya. Kaya pala pakiramdam nya ay mas matured sya mag isip kumpara sa kanyang kuya at mga kalaro. Up to now, dala-dala nya parin ang pangalang Jason. 22 years old sya, pero ang totoo ay 26 years old na sya. Gulo...

Pasensya na kung mejo magulo ang pagka-kwento ko. Namangha talaga ako sa kanyang buhay and at the same time nakaramdam din ng awa. Ano sa tingin nyo?


-----

Summary:

James - dating bf na namatay, kuya ni jason

Jason - bf ng ate ko ngayon, tunay na pangalan Joy Cruz
« Last Edit: December 17, 2008, 03:46:53 am by IWM »
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

Erotomania

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #1 on: December 17, 2008, 03:39:56 am »
naguluhan din ako pre   ;D ;D ;D ;D

yung Joy Cruz ba yung kuya???  ;D ;D ;D

coated_pill

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #2 on: December 17, 2008, 03:42:29 am »
medyo naguluhan din ako sa istorya..

DjDaveTrance

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #3 on: December 17, 2008, 03:43:30 am »
 :o :o :o :o Ano daw? sino daw si ano?

Kakalito mga Pangalan Pareng IWM, PURO mga J kasi eh hehehehe

IWM

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #4 on: December 17, 2008, 03:44:41 am »
naguluhan din ako pre   ;D ;D ;D ;D

yung Joy Cruz ba yung kuya???  ;D ;D ;D

Hindi, yung Joy Cruz, yun pala ang tunay na pangalan ni Jason, boyfriend ng ate ko ngayon. Pinalitan ng Jason ang pangalan nya nung pinaampon sya. Pinalitan din ang kanyang age.
« Last Edit: December 17, 2008, 03:47:53 am by IWM »
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

Erotomania

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #5 on: December 17, 2008, 03:46:34 am »
aahhhhhh   ;D ;D ;D ;D

pero hindi bagay sa kaniya yung Joy kasi pambabae di ba?? asan na ung mga tunay niyang parents?? 

IWM

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #6 on: December 17, 2008, 03:48:34 am »
sorry, na-messed up pala sa bandang huli yung names..hehehe..

pakibasa ulit..baka clear na..hehe
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

Erotomania

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #7 on: December 17, 2008, 03:51:32 am »
clear na pre... so yung magkapatid na james at jason ay hindi pala talaga tunay na magkapatid...... na gets ko na hehehe  ;D ;D ;D

malungkot talaga na malaman na ampon ka, a very sad story indeed .......

DjDaveTrance

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #8 on: December 17, 2008, 03:52:56 am »
:o :o :o :o Ano daw? sino daw si ano?

Kakalito mga Pangalan Pareng IWM, PURO mga J kasi eh hehehehe

Pati ako natawa sa REPLY ko!
 ;D ;D ;D hehehe Ayos na Pareng IWM

IWM

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #9 on: December 17, 2008, 03:53:15 am »
clear na pre... so yung magkapatid na james at jason ay hindi pala talaga tunay na magkapatid...... na gets ko na hehehe  ;D ;D ;D

malungkot talaga na malaman na ampon ka, a very sad story indeed .......

Oo pre, tama..

Ang malungkot pa dun, all his life akala nya jason ang pangalan nya and mas nakababata sya sa kuya nya. Parang binura ang 4 years ng kanyang buhay. Ginawan din sya ng bagong birth certificate.
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

Erotomania

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #10 on: December 17, 2008, 03:56:21 am »
so wala na siyang balita dun sa mga tunay niyang magulang???   ??? ??? ???

IWM

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #11 on: December 17, 2008, 04:00:12 am »
so wala na siyang balita dun sa mga tunay niyang magulang???   ??? ??? ???

Meron parin syang balita, labandera parin at driver. hindi niya parin maramdaman o kahit pilitin man lang maramdaman na sila ang tunay niyang magulang. Lumaki kasi siya sa US, at akala nya Fil-Am din sya.

Nakakaawa talaga kasi iyak daw sya ng iyak nung nalaman nya ang totoo. Gulo ng story nya.
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

Erotomania

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #12 on: December 17, 2008, 04:05:50 am »
yun ang mahirap pre, yung lumaki ka na me gintong kutsara sa bibig tapos all of a sudden eh anak ka pala ng mahirap.....

pero blessing na din yan kasi pwede niyang dalhin sa US yung mga tunay niyang magulang or bigyan ng magandang buhay   ......

migx

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #13 on: December 17, 2008, 04:53:30 am »
yun joy cruz ba eh alyas lang din? bakit naman pangbabae ang binigay na pangalan ng tunay na parents nya?

IWM

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #14 on: December 17, 2008, 04:58:04 am »
yun joy cruz ba eh alyas lang din? bakit naman pangbabae ang binigay na pangalan ng tunay na parents nya?

alyas lang..pero ganun din sa totoong buhay, pambabae din ang name nya.
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

migx

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #15 on: December 17, 2008, 05:00:31 am »
alyas lang..pero ganun din sa totoong buhay, pambabae din ang name nya.
ahh..owkei. naintriga lang ako. hehe!

zaraki kenpachi

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #16 on: December 17, 2008, 05:16:23 am »
alyas lang din ba yung JOY?

baka LIGAYA ang pangalan ni "jason"... maswerte pala sya at naampon sya at nagkaroon ng magandang kinabukasan
my country is the world and my religion is to do good

IWM

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #17 on: December 17, 2008, 05:28:51 am »
alyas lang din ba yung JOY?

baka LIGAYA ang pangalan ni "jason"... maswerte pala sya at naampon sya at nagkaroon ng magandang kinabukasan

Parang similar din sa "joy"..ginawa ko lang Joy kasi baka mabasa nya dito or may makakakilala sa kanya.
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

Deadsoul

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #18 on: December 18, 2008, 10:46:27 pm »
bat pambabae ang name nya na totoo? baka nga babae xa, tapos pinatransplant lang...ang gulo...


The Dark Knight

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #19 on: December 18, 2008, 11:13:53 pm »
correct me if i'm wrong...

regardless of names and aliases...

"jason" and "james" are not real brothers...

james is dead...

jason is not his real name "joy cruz" is...

jason is "ampon"...and actually older that "james"...

and IWM sister has relation to both of them...

no offense IWM, tinuhog pala ng ate mo yung magkapatid....relax, just kidding...i guess there is some story behind it...

IWM

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #20 on: December 18, 2008, 11:19:34 pm »
correct me if i'm wrong...

regardless of names and aliases...

"jason" and "james" are not real brothers...

james is dead...

jason is not his real name "joy cruz" is...

jason is "ampon"...and actually older that "james"...

and IWM sister has relation to both of them...

no offense IWM, tinuhog pala ng ate mo yung magkapatid....relax, just kidding...i guess there is some story behind it...

yup tama yung summary mo. nung namatay si james, naging close sila ni jason kaya sila nagkatuluyan in the end.
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

shivarobert

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #21 on: December 19, 2008, 02:07:31 am »
nung una kong basa akala ko joy cruz ung pangalan ng nanay nya kaya lagi nyang napapanaginipan hehe

mashedpotato

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #22 on: December 19, 2008, 09:03:19 pm »
i have 2 workmates na pangalan ei pambabae
Joy Anthony and Mariel pero lalake mga un  ;D
3 pala isa Chyrey ung = madalas nahihirapan noon hanap ng work kasi npagkakamalan na girl ung name(sounds cherry dw  :D)

IWM

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #23 on: December 19, 2008, 09:22:51 pm »
Hindi naman yung pangalan nya na pambabae ang kakaiba dito. Yung kwento mismo ng buhay nya.
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

mayki

Re: Boyfriend ng ate ko...
« Reply #24 on: December 19, 2008, 10:07:51 pm »
Habang binabasa ko ang story, inakala ko na ang tunay na Joy Cruz ay yung yumao niyang kapatid kasi nagpaparamdam, yun pala ay tunay niya na pangalan yuon  :D
aza